Halos P150,000 na shabu nasamsam sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2019 07:44 AM

MANILA - Nasamsam ang halos P150,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa magkahiwalay na operasyon sa Bacolod, Negros Occidental mula Miyerkoles ng gabi hanggang Huwebes ng madaling-araw. 

Kabilang sa mga nakumpiska ang P120,000 halaga ng umano'y shabu mula sa isang 53-anyos na ginang sa Purok Tangigue, Barangay 1. 

Noong nakaraang taon, sumuko sa mga opisyal ng barangay ang suspek bilang drug user. Nakulong naman ang kaniyang mister sa parehong taon dahil sa pagbebenta umano ng ilegal na droga, ayon sa pulisya. 

Iginiit ng suspek na hindi sa kanya ang drogang ginamit na ebidensya ng pulisya. Aniya, binubuhay ang kaniyang mga anak at apo gamit ang perang nakuha mula sa pagbebenta ng kanilang bahay. 

Samantala, nakuha naman sa isa pang babae sa Barangay 5 ang nasa P23,000 halang ng shabu matapos siyang magbenta ng droga sa isang operatiba.
 
Kapwa sasampahan ng kasong pagbebenta at possession of illegal drugs ang mga suspek. 

Ulat ni Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.