Babae, pinugutan ng ulo dahil sa selos

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2019 09:42 PM | Updated as of Jul 25 2019 10:02 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Arestado ang isang lalaki matapos na pugutan ng ulo ang kaniyang live-in-partner sa Arba Street, Barangay Batasan Hills sa Quezon City.

Ayon kay Police Lt. Col. Joel Villanueva, station commander ng Quezon City Police District, Station 6, pasado alas-12 ng tanghali ng Huwebes, ginawang hostage ni Alejandro Llina, 34-anyos, ang tatlong taong gulang na anak na babae nila ng live -in-partner.

Pero kalaunan ay pinakawalan din niya agad ito nang makipagnegosasyon sa mga pulis.

Pagpasok ng mga pulis sa bahay, tumambad sa kanila ang pugot na ulo ni Maricel Alejo.

Selos ang idinahilan ng suspek kaya niya nagawa ang krimen.

Lumitaw din sa imbestigasyon ng QCPD Station 6 na nasa drug watchlist ang suspek.

Nahaharap ito sa kasong murder.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.