Anti-dengue operation, isinagawa sa Davao City

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2019 10:54 AM

DAVAO CITY - Pinasok ng mga tauhan ng Davao City Health Office ang ilang barangay dito sa lungsod, Miyerkoles, upang magsagawa ng operasyon kontra dengue.

Tumambad sa mga awtoridad ang mga gulong na nasa kalsada na pinamumugaran na ng kiti-kiti. Maging ang mga inipong tubig sa loob ng ilang bahay ay nakitaan din ng mga kiti-kiti.

Ipinag-utos ng City Health Office na itapon ang mga inipong tubig at takpan ng mga trapal ang mga gulong dahil ito ay mga "breeding containers."

Matapos maglinis ang mga residente ay nagsagawa sila ng fogging.

Isinagawa ang operasyon matapos mamatay dahil sa dengue ang 8 Davaoeño ngayong buwan.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.