ALAMIN: Bagong listahan ng mga ipinagbabawal dalhin sa eroplano

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2019 10:52 PM | Updated as of Jul 26 2019 08:58 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Naglabas ng bagong na listahan ang Office for Transportation Security ukol sa mga bagay na bawal i-hand-carry sa eroplano.

Kasama sa bagong listahan ng mga ipinagbabawal na dalhin sa loob ng eroplano ang nail cutter at iba pang gamit sa pagma-manicure at pedicure.

Hindi rin puwedeng i-hand-carry ang mga carpentry tool. Ganun din ang ilang sports equipment at bola ng billiard at bowling.

Maging ang skateboard ay dapat nang i-check-in at hindi na puwedeng bitbitin sa loob ng eroplano.

Ang mga power bank at battery na gawa sa lithium ay papayagan pang ma-hand-carry pero kailangang sundin ang instruction mula sa airline company.

Mananatili naman ang pagpayag na mabitbit sa cabin ng eroplano ang mga e-cigarette at laruang baril, maliban na lang kung ito ay pellet gun. Bawal naman kahit sa check-in baggage ang mga lighter.

Kasama pa rin sa ipinagbabawal na i-hand-carry sa eroplano ang lahat ng matutulis at matatalim na metal, chemical at flammable materials.

Alamin dito ang buong listahan.—Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.