63-anyos na lola timbog sa droga sa Quezon

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2019 11:25 AM | Updated as of Jul 25 2019 11:34 AM

MAYNILA - Nasamsam ang higit P190,000 halaga ng droga mula sa isang 63-anyos na lola sa Infanta, Quezon nitong Huwebes.

Nakuha kay Marilyn Galvan, isa umanong drug courier, ang 106.72 gramo ng hinihinalang shabu.

Ikinanta ang suspek ng mga naunang naaresto sa pagtutulak ng ilegal na droga, ayon kay Police Major Dandy Aguilar, hepe ng Infanta Police.

Sinabi ng suspek sa mga pulis na ito ang ikatlong beses niyang maghatid ng shabu sa Infanta.

Binabayaran lang umano siya ng P10,000 kada deliver. Inaabot lamang sa kaniya ang droga sa isang mall sa Alabang.

Isang lalaki umano na kausap niya sa cellphone ang nag-uutos sa kaniya.

Nahaharap ang suspek sa kasong transporting and possession of illegal drugs.

--Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.