BAGO CITY - Arestado ang isang babae at isang lalaki na nagbebenta ng gagamba sa Bacolod City dahil itinuturing na paglabag sa batas ang pagbebenta ng mga naturang hayop, sabi ng mga awtoridad nitong Huwebes.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 533 na mga gagamba na nakuha umano mula sa Bayan ng Murcia, sabi ng mga awtoridad.
Nakabalot sa plastic at inilalako sa Burgos Public Market ang mga gagamba, sabi ng mga opisyal mula sa Community Environment and Natural Resources Office ng probinsiya.
Ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga gagamba dahil labag ito sa Republic Act 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
regional news, Tagalog news, spider, animals, Bacolod, Bago, Negros Occidental, gagamba, Republic Act 9147, Wildlife Resources Conservation and Protection Act, site only, slideshow