Retiradong Marine, patay sa engkuwentro sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2018 02:03 AM

MAYNILA—Patay ang isang retiradong Marine sa engkuwentro ng mga pulis sa Barangay Cembo, Makati City Martes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Alexander Millado, 45-anyos.

Ayon kay Senior Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati City police, ikinasa ang operasyon sa bisa ng search warrant laban sa suspek na sangkot umano sa pagbebenta ng ilegal na baril.

Nanlaban umano si Millado at nagresulta sa engkuwentro na dahilan sa pagkamatay niya.

Patuloy ang paghahalughog ng mga pulis sa bahay ng suspek. — Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.