Dating pulis patay sa buy-bust sa Albay

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2018 04:35 PM

Patay ang isang dating pulis matapos umanong manlaban sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Jovellar, Albay nitong Martes ng hapon.

Dead on the spot si dating Chief Insp. Alvin Nisperos ng San Juan City. Isang kalibre 45 baril at 5 sachet ng hinihinalang shabu ang narekober sa operasyon. 

Ayon sa pulisya, matagal na nilang minamanmanan si Nisperos na sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga hindi lang sa Jovellar kundi maging sa kalapit na bayan ng Camalig at Donsol, Sorsogon. 

Pero hindi naman naniniwala ang ina nitong si Nancy na nanlaban ang anak dahil wala naman daw itong baril. Planted daw ang mga narekober. 

Taong 2004 nang mag-Absent Without Official Leave sa serbisyo ang kaniyang anak dahil sa sobrang depression matapos mabiktima ng pyramid scam. 

Nasangkot daw ito sa droga pero mahigit isang isang taon nang itinigil ang ilegal na aktibidad. 

Sa kabila nito, tatanggapin na lang umano ng pamilya ang nangyari kahit may ibang grupo na magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa naging operasyon ng pulisya.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.