Bangkay ng lalaking nalunod noong linggo natagpuan na sa N. Occidental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2018 07:03 PM

Lumutang sa ilog ang bangkay ng lalaking natangay ng malakas na agos ng tubig noong Linggo dahil sa pag-ulan na dala ng habagat. Larawan mula sa Kabankalan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO)


KABANKALAN CITY, Negros Occidental - Lumutang na ang bangkay ng isang 56-anyos na lalaking naiulat na nawala matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig sa ilog noong Linggo.

Miyerkoles ng umaga nang makita ng mga residente ng Barangay Hilamonan ng lungsod na ito ang bangkay ni Eduardo Emparado sa ilog, mga 7 kilometro ang layo mula sa kung saan siya nalunod.

Ayon sa Kabankalan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), tumawid sa ilog si Emparado kasama ang lima pang mga kaibigan nang tangayin ng rumaragasang tubig noong Linggo ng gabi.

Dalawang araw nagsagawa ng retrieval operations ang Kabankalan CDRRMO pero hindi nila nakita si Emparado.

Alas-7 na ng umaga ng Miyerkoles nang makita ang kaniyang bangkay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.