2 armadong lalaki, patay sa engkuwentro sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2018 02:06 AM

MAYNILA—Patay ang 2 lalaki sa engkuwentro ng mga pulis sa Laperal Compound, Barangay Guadalupe Viejo, Makati City Martes ng gabi.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek na nakuhanan ng baril at granada.

Ayon sa paunang ulat ng Makati City police, nagsagawa sila ng simultaneous anti-criminality and law enforcement operation sa lugar na laganap umano ang bentahan ng ilegal na droga.

Pinaputukan umano ang mga pulis nang lusubin ang lugar. Gumanti sila ng putok at tinamaan ang 2 lalaki na dahilan sa pagkamatay nila.

Kasalukuyan pang pinoproseso ng explosives and ordinance division ang crime scene. — Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.