Notorious drug pusher, patay sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2017 11:37 AM

Patay ang isang notorious na drug pusher matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Bagong Silang, Caloocan City noong Lunes ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Gasper Palacio, kilalang tulak ng ipinagbabawal na droga sa Phase 4C, sa Barangay Bagong Silang.

Nakatanggap umano ng tawag ang pulisya dahil sa nagaganap na bentahan ng droga sa harap ng bahay na tinutuluyan ni Palacio.

Pero pagdating ng mga pulis, agad nagpaputok ang suspek kaya napilitang silang gumanti ng putok at napatay ang suspek.

Narekober mula sa suspek ang isang baril at 5 sachet ng hininalang shabu.

Napagalaman na kasama ang pangalan ng suspek sa drugs watchlist ng naturang barangay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.