Hinihinalang Maute member, nadakip sa evacuation center

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2017 11:19 AM

Isang hinihinalang kasapi ng Maute group ang naaresto sa isang evacuation center sa Lanao del Sur.

Nakilala siyang si Lala Arafat, 38-anyos at residente ng Barangay Osmeña sa Marawi City. 

Nakuha sa kanya ang 12 identification cards na may iba’t-ibang mga pangalan at isang cellular phone.

Nahuli sa Arafat sa isang evacuation center sa bayan ng Saguiaran noong Linggo ng hapon.

Si Arafat ay itinuro ng isa pang Maute member na nauna nang naaresto ng awtoridad.

Nakapiit na ngayon ang suspek at nakasuhan ng may kaugnayan sa rebelyon at conspiracy.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.