PatrolPH

Higit P92 milyong halaga ng tanim na marijuana, sinira sa Kalinga

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2022 12:54 PM | Updated as of Jul 24 2022 02:05 PM

Sinunog ng mga awtoridad ang mga tanim na marijuana na nahanap sa Tinglayan, Kalinga. Retrato mula sa Kalinga Police Provincial Office
Sinunog ng mga awtoridad ang mga tanim na marijuana na nahanap sa Tinglayan, Kalinga. Retrato mula sa Kalinga Police Provincial Office

Aabot sa P92 milyong halaga ng tanim na marijuana ang binunot at sinunog ng mga awtoridad sa loob ng halos isang linggo sa Tinglayan, Kalinga.

Pinangunahan ng Tinglayan police at Philippine Drug Enforcement Agency ng probinsiya ang operasyong ikinasa sa limang barangay sa nasabing bayan mula Hulyo 18 hanggang 23.

Ayon kay Maj. Garry Gayamos ng Kalinga Police Provincial Office, sa limang barangay na pinuntahan ng mga awtoridad, 20 plantation site ang natunton.

Aabot sa P92.2 milyon ang kabuuang halaga ng mga marijuana ang sinira.

Walang nadatnang cultivator sa mga plantation site.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung sino ang may-ari ng mga plantasyon.

— Ulat ni Grace Alba

MULA SA ARCHIVE

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.