1 patay, 2 arestado sa operasyon vs droga sa Bulacan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

1 patay, 2 arestado sa operasyon vs droga sa Bulacan

1 patay, 2 arestado sa operasyon vs droga sa Bulacan

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang isang lalaki matapos mabaril ng mga pulis sa anti-illegal drug operation sa Bulacan Biyernes ng gabi, Hulyo 22.

Ayon sa Bulacan Police Provincial Office, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Special Drug Enforcement Unit ng Malolos City Police Station sa Barangay Santor, City of Malolos, Bulacan.

Napatay umano sa engkuwentro si Sherwin Thompson alyas “Wiwin”, 40 anyos na taga-Brgy. Santor, City of Malolos, Bulacan.

Nakalista ang napaslang bilang Illegal Drug Personality, ayon sa pulisya.

ADVERTISEMENT

Arestado naman ang 2 pa na kasabwat umano nito.

Narekober sa napatay at naarestong mga suspek ang 3 sachet ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 20 gramo ang bigat.

Ayon sa pulisya, hindi bababa sa P136,000 ang halaga ng umano'y droga.

Narekober din ang ilang bala at baril, weighing scale, drug paraphernalia at buy-bust money.

- ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.