PatrolPH

Sanggol na nakasilid sa ecobag natagpuan sa Agusan del Norte

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2021 04:52 PM

Sanggol na nakasilid sa ecobag natagpuan sa Agusan del Norte 1
Nakasilid sa ecobag ang sanggol na natagpuang kasama ng mga dahon at niyog sa baybayin ng Barangay Abilan sa Buenavista sa Agusan del Norte. Larawan mula sa Buenavista Municipal Police Station

Naaagnas na nang matagpuan ang bangkay ng tinatayang isang buwang sanggol sa baybayin ng Purok 10, San Juan sa Barangay Abilan, bayan ng Buenavista sa Agusan del Norte.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nasa loob ng ecobag ang sanggol nang ito’y matagpuan ng mga residente, Biyernes ng hapon. 

Sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives, walang nakitang sugat sa katawan ng sanggol.

Patuloy pang iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente para na rin matukoy ang mga magulang ng sanggol at malaman kung ang bata ba ay inanod o tinapon sa lugar.
 
- Ulat ni Lorilly Charmane D. Awitan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.