PatrolPH

138 na mga bahay sa Iloilo nasira ng malakas na alon na dala ng habagat

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2021 04:17 PM

138 na mga bahay sa Iloilo nasira ng malakas na alon na dala ng habagat 1
Tanging bubungan na lamang ng isang bahay ang makikita sa baybayin matapos na masira ang bahay dahil sa malakas na paghampas ng alon na dulot ng habagat sa bayan ng Tigbauan sa Iloilo. Larawan mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Tigbauan

Umabot na sa 138 ang bilang ng mga bahay na nasira sanhi ng malakas na paghampas ng alon dala ng hanging habagat sa Iloilo nitong Biyernes.

Sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, ang mga nasirang bahay ay mula sa coastal barangay ng mga bayan ng Oton, Tigbauan, Guimbal, at Miag-ao.

Karamihan sa mga apektadong pamilya ay nasa evacuation center na ng bawat bayan, habang ang iba naman ay pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kamag-anak.

Nabigyan na rin ng relief goods ang mga apektadong pamilya.

Wala namang naiulat na nasawi, nawala o nasugatan sa sama ng panahong dala ng habagat sa lalawigan ng Iloilo.

Samantala, patuloy pa ang ginagawang damage assessment ng awtoridad sa halaga ng mga napinsalang bahay at ari-arian. — Ulat ni Rolen Escaniel
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.