Nueva Ecija magpapapasok na muli ng OFWs, iba pang stranded individuals

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2020 09:08 PM

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija — Pinapayagan na ulit ang pagpapauwi sa mga overseas Filipino worker (OFW) at stranded individuals sa Nueva Ecija. 

Maaalalang ipinatigil ang pagpasok ng mga ito sa lalawigan matapos magpositibo ang isang umuwing OFW kahit pa binigyan ito ng clearance ng Bureau of Quarantine.

Pero nitong linggo ay nagtungo sa probinsiya ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) para kausapin ang lokal na pamahalaan. 

"Kaya po ang Nueva Ecija naman ay tuloy na rin ulit yung pagtanggap sa mga OFWs, ang mahalaga diyan eh mai-communicate eh, ani Arnold Abelardo, tagapagsalita ng Nueva Ecija IATF. 

Hanggang nitong Biyernes ng hapon, nadagdagan pa ang kaso ng COVID-19 sa Nueva Ecija na nasa 162 na. Ang 75 dito ay gumaling na habang ang 7 ay nasawi. 

—May ulat ni Noriel Padiernos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.