Matiwasay na plano sa pag-usad ng bansa dapat marinig sa SONA: analyst

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2020 08:43 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Ang pangako para sa isang komportableng buhay para sa lahat ng Pilipino ang hangaring pinanghawakan ng taumbayan sa umpisa pa lang ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) noong nakaraang taon, muling siniguro ng Pangulo na ito pa rin ang target ng kanyang gobyerno sa nalalabi nitong panahon sa Malacañang.

"Our goal for the next three years is clear: a comfortable life for everybody, all Filipinos. We have made significant strides and accomplished signal milestones as a nation in the past three years. This momentum must continue with greater fervor in the next three years and beyond. I dream of glowing days ahead for every Filipino. I dream of a Philippines better than the one I grew up with," ani Duterte noong 2019.

Pero kahit ano pang gandang pakinggan ang mga salitang ito, hindi maikakailang nagbago ang lahat dahil sa pandemyang COVID-19.

Para kay Professor Ranjit Rye, malaking hamon para sa administrasyon na muling maibalik ang nawalang momentum ng bansa pagdating sa ekonomiya lalo na at hindi pa rin natatapos hanggang ngayon ang pandemya.

"It’s a challenging context for the administration, it has to re-calibrate everything and change its plans, and modify its strategies and programs really towards trying to survive the pandemic until next year, and hopefully build some momentum towards economic and social development," ani Rye.

Sa darating na Lunes, malinaw umanong ilalatag ng Pangulo sa kaniyang SONA ang plano ng kanyang administrasyon para makabangon ang bansa mula sa epekto ng COVID-19.
    
Sabi ni Rye, importante ang malinaw na plano lalo na't apektado rito ang mismong sikmura ng mga Pilipino.

"It’s important there’s a good plan, a road map, a blueprint for moving forward that will be discussed during the SONA. And I hope that that plan will inspire confidence in all of us. In the end what we do as citizens is more important than anything the government does, and so the SONA is supposed to emphasize that also."

Ayon sa forecast ng mga eksperto, posibleng sa susunod na taon pa lang ay inaasahang agad nang papalo ang ekonomiya ng bansa nang mula 8 hanggang 9 na porsyentong paglago.


—Mula sa ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.