PatrolPH

COVID-19 frontliner, 4 iba pa timbog sa drug den sa Cotabato City

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2020 03:46 PM

COTABATO CITY — Huli dito ang 5 lalaki, kabilang ang isang COVID-19 frontliner, sa isang drug den noong Huwebes ng gabi matapos ang isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa report mula sa PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), nahuli ang mga suspek sa Purok Bagal, Rosary Height 10. 

Kabilang sa mga nahuli ay isang COVID-19 frontline worker, isang construction worker, at isang tricycle driver. 

Nakuha mula sa operasyon ang 11 pakete ng pinaniniwalaang ilegal na droga na nagkakahalaga ng P149,600. 

Sa ngayon ay nakakulong na ang mga ito at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

—Ulat ni Lerio Bompat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.