P150,000 halaga ng droga nasamsam sa Negros

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2019 08:06 AM

Nasamsam ang P150,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa 2 lalaki sa magkahiwalay na operasyon sa Negros nitong Martes.

Arestado ang isang 40-anyos na lalaki sa Silay City, Negros Occidental matapos mahulihan ng 8 sachet ng droga na may halagang P100,000.

Sa Bacolod naman, timbog ang isang 35-anyos na lalaki nang makuhanan ng 6 na sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P50,000.

Haharap ang mga suspek sa kasong possession at selling of illegal drugs. --Ulat ni Mark Salanga

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.