Mayor Isko nagsagawa ng surprise inspection sa Quiapo

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2019 04:44 AM | Updated as of Jul 24 2019 08:18 PM

MAYNILA—Nagsagawa ng surprise inspection Miyerkoles ng madaling-araw si Manila Mayor Isko Moreno sa Carriedo St., Quiapo at dismayado siya sa nakitang basura na nakakalat sa kalsada.

Ayon sa alkalde, ipapatawag niya ang police commander ng Plaza Miranda Police Community Precinct Miyerkoles ng umaga para magpaliwanag.

Watch more in iWant or TFC.tv

Matatandaan na ang Carriedo ang isa sa mga unang nilinis ni Moreno nang umupo siya bilang alkalde.

Pumunta ang alkalde pagkatapos sa Divisoria at natuwa siya dahil nadadaanan ng mga sasakyan ang isang lane.

Sa Tondo naman, kinuha ni Moreno ang mga plate number ng mga nakaparadang trak sa gilid ng kalsada. 

Pumunta rin siya sa Ospital ng Maynila kung saan sinabi niyang magpapatayo siya ng bagong ospital sa parehong compound.—Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News