Mag-asawa arestado sa QC buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2019 04:31 AM

MAYNILA—Timbog ang mag-asawa sa buy-bust operation sa Barangay San Martin de Porres, Quezon City Martes ng gabi.

Ayon kay Police Capt. Ramon Aquiatan ng Cubao Police Station, target ng operasyon ang lalaking suspek na nabilhan ng P300 halaga ng umano'y shabu.

Nasamsam sa mag-asawa ang 11 sachet ng hinihinalang shabu, isang 9mm na baril at ilang bala.

Nagpakilala ang lalaking suspek na nagtatrabaho umano siya bilang security guard ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Nakuha rin sa kaniya ang isang ID pero ibeberipika pa ito ng mga pulis.

Itinanggi naman ng 2 suspek na kanila ang mga nakumpiskang droga.—Ulat nina Lyza Aquino at Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.