Bus nagliyab habang bumabiyahe sa Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2019 04:52 PM

Kuha ni Marcneil Rondina Ocenar

Nagliyab ang isang pampasaherong bus sa bayan ng Motiong, Samar nitong Martes ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, napansin ng driver na si Demetrio Alcantara na nagliliyab ang likod na bahagi ng sasakyan kaya ihininto niya ito.

Agad niyang inabisuhan ang nasa 40 pasahero na bumaba mula sa sasakyan.

Ligtas ang mga pasahero.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.