Bangkay ng magsasaka, natagpuan sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2019 01:06 AM

NEGROS OCCIDENTAL—Natagpuan ang bangkay ng isang magsasaka sa Barangay Canlandog, Murcia, Negros Occidental Martes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Renilo Esparecia, 63 anyos, na nagtamo ng tama ng bala sa katawan.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre .45 na baril at 2 magazine.

Ayon kay Police Maj. Roberto Indiape, hepe ng Murcia police, personal na alitan ang tinitingnan nilang motibo sa krimen.

"Sa tingin natin ang biktima ay parang may pinaghahandaan dahil may nakita sa kaniyang kalibre .45 na baril na parang pangdepensa," aniya.

Natagpuan ang bangkay ng biktima matapos magtaka ang ilang kapitbahay na ilang araw nang hindi nakukuha ni Esparecia ang nakataling kalabaw.—Ulat ni Mark Salanga, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.