4 anyos na bata, viral sa angking galing gamit ang improvised drums

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2019 04:02 PM | Updated as of Jul 24 2019 04:30 PM

MAYNILA - Nag-viral sa social media ang video ng isang 4 anyos na bata na todo ang paghataw sa drums na gawa sa recycled materials.

Nakakuha ng aabot sa 10 milyong views ang pagtugtog ng drums ng batang si Hosea Moneda na taga-Paete, Laguna.

Sinabayan ni Hosea ang pag-jamming ng kaniyang ama na si Almer at ang kaniyang ina na si Ann sa kantang "Nothing is Impossible" ng worship band Planetshakers at ng kantang "Jesus You Are Here" ni Darlene Zschech.

 

Ayon kay Almer, magdadalawang anyos na si Hosea nang matuklasan nilang sumasabay ang pagpalo ng bata sa mesa sa kung ano man ang naririnig nitong kanta.

Dahil dito, binilhan daw ng drum set si Hosea ng kaniyang tiyuhin. Kaya lang, nasira ito - na agad namang ginawan ng paraan ni Almer.

"May nakita din ako na 'yong kombulata, tapos yung tansan tas ginawa kong drums" ani Almer.

Noong Lunes, Hulyo 22, naki-jamming si Hosea kasama ang "Magandang Buhay" hosts na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada, at Melai Cantiveros sa kantang "Kahit Ayaw Mo Na" ng This Band.

Watch more in iWantTFC

Pinamahagian din ng drum set ang bata at scholarship grant sa isang music school.

Nang tanungin kung ano ang nais gawin paglaki, sinabi ni Hosea na gusto niyang maging drummer.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.