3 timbog sa Makati buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2019 03:25 AM

MAYNILA—Arestado ang 3 katao sa buy-bust operation sa Barangay Olympia, Makati City Martes ng hapon.

Nasamsam sa mga suspek ang 16 na sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P5,000.

Ayon sa pulisya, target ng operasyon ang 29 anyos na kusinero. 

Nang mabilhan ng droga ang target, sinugod ng mga operatiba ang kaniyang bahay at naabutan ang 2 iba pa sa isang drug session.

Sasampahan sila ng reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.