2 umano’y ISIS supporters, arestaso sa raid sa GenSan

Jay Dayupay, ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2019 03:58 PM | Updated as of Jul 24 2019 04:13 PM

GENERAL SANTOS CITY - Dalawang babae ang inaresto dito sa lungsod Miyerkoles matapos mapag-alaman ng mga awtoridad na sila ay umano'y mga tagasuporta ng teroristang Islamic State.

Naaresto ang 2 suspek na konektado umano sa Turaife group sa Barangay Lagao kung saan nagsagawa ng raid ang mga pulis, ani Police Lt. Col. Jose Simangan, tagapagsalita ng Oplan Paglalansag Omega.

Ang Turaife group ang umano'y nasa likod ng ilang pambobomba sa Sulu, sabi ni Simangan.

"These two suspects, based on the information that we have received, are allegedly the ones buying components of bombs," aniya.

Narekober ng mga awtoridad sa inuupahang bahay ng 2 suspek ang 2 ISIS flags, kalibre 45 baril, mga bala, mga wire, 2 battery at 2 rifle grenade. 

Itinanggi ng mga suspek ang alegasyon ng mga pulis, pero mahaharap pa rin sila sa kasong illegal possession of firearms and ammunition at illegal possession of explosives. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.