TINGNAN: Matinding trapiko sa Commonwealth matapos ang SONA 2018

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2018 01:00 AM

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Jervis Manahan, ABS-CBN News

MAYNILA - Mabagal ang daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue pasado alas-10 Lunes ng gabi.

Isinara kasi kaninang hapon ang malaking bahagi ng kalsada dahil sa mga pagkilos kaugnay ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Heavy traffic ang naranasan pero gumagalaw naman sa lane papuntang Fairview.

Maluwag naman sa lane papuntang Quezon Memorial Circle.

Nagpatupad pa ng zipper lane sa Commonwealth kaninang hapon para mapadaan ang mga sasakyan kahit na ongoing ang mga kilos protesta. - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News