Pulis Maynila, patay sa pamamaril

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2018 08:08 PM | Updated as of Jul 24 2018 09:46 PM

Dead on the spot si PO2 Joel Padre Juan matapos pagbabarilin sa Sampaloc, Maynila nitong Martes. Michael Delizo, ABS-CBN News

Patay ang isang miyembro ng anti-crime unit ng Manila Police matapos pagbabarilin sa Sampaloc, Maynila nitong Martes.

Dead on the spot si PO2 Joel Padre Juan matapos magtamo ng multiple gunshot wounds.

Makikita sa kuha ng CCTV, sinundan ng gunman ang pulis habang binabaybay ang G. Tuazon Street sakay ng motorsiklo.

Pagdating sa kanto ng Mindoro Street, dito na pinagbabaril ang pulis.

Tumakas ang hindi pa nakikilalang gunman.

Patuloy pa ang imbestigasyon kung ano ang motibo sa krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.