P1-M halaga ng shabu, nasabat sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2018 05:34 AM

MAYNILA - Nasabat ng mga pulis ang P1 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Pasay City Martes ng madaling-araw.

Nahuli rin ang 12 katao, kabilang si alyas Nika na siyang target ng operasyon.

Nakuha sa kanila ang 25 sachet ng shabu, isang 9mm na baril, at mga drug paraphernalia.

Ayon kay Senior Supt. Noel Flores, hepe ng Pasay City police, nahuli ang mga suspek na bumabatak sa isang bahay sa Barangay 14 alas-2:30 ng madaling-araw.

Posible umanong naging kampante aniya ang mga suspek dahil inakala nilang busy ang mga pulis dahil sa SONA.

Hindi na nagbigay ng pahayag ang mga suspek. Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.