Ilang pangunahing kalsada sa Luzon, sarado pa rin dahil sa pagbaha

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2018 11:26 PM

MAYNILA—Sarado pa rin sa daloy ng trapiko ang 9 na pangunahing kalsada sa Luzon dahil sa pagbaha na dulot ng masamang panahon.

Narito ang mga isinarang kalsada batay sa pinakahuling tala ng Department of Public Works and Highways (DPWH):

  • Abra-Ilocos Road sa Cordillera
  • Abra-Cervantes Road sa Cordillera
  • Bahagi ng Acop-Kapangan-Kibungan-Bangun Road sa Benguet
  • Tibuk Banaue Road sa Lower Kalinga
  • Junction Talubin Road sa Mountain Province
  • Kennon Road sa Baguio
  • Subol Bridge sa Pangasinan
  • Baliuag-Candaba Road sa Pampanga
  • Candaba-San Miguel Road sa Pampanga

Karamihan sa mga isinarang kalsada ay lubog pa rin sa tubig-baha, nag-collapse, o nagkaroon ng landslide.

Nagpadala na ang DPWH ng maintenance crew upang magsagawa ng restoration work at maglagay ng mga warning sign para sa mga motorista. — ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.