5 arestado sa buy-bust sa Puerto Princesa City

Lynette dela Cruz, ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2018 09:14 PM

Arestado ang limang suspek na nahuli matapos na magsagawa ng buy-bust operation ang awtoridad sa isang bahay sa Barangay Mandaragat sa Puerto Princesa City. Larawan mula sa  Puerto Princesa City Police

PUERTO PRINCESA CITY – Limang lalaki ang naaresto Martes ng umaga sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad sa Old Buncag sa Barangay Mandaragat sa lungsod na ito.

Naabutang nag-iinuman pa ang mga suspek na kinilalang sina Niño Consigna, Michaell Consigna, Crisanto Ergen, Jess Abante Espinili, at Gimrex Bacquaio.

Si Ergen ang itinuturong nagdadala ng droga sa lugar. 

Naabutan pa itong may ibang katransaksyon sa cellphone.

Nakumpiska ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu, dalawang gamit nang sachet na may bakas ng hinihinalang droga, improvised water pipe at P500 mula sa mga suspek.

Depensa naman ng mga suspek na itinanim lang ang droga sa kanila. 

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.