4 na bahay natupok sa Sampaloc, Maynila

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2018 11:21 AM | Updated as of Jul 24 2018 11:22 AM

MAYNILA - Apat na bahay ang nasunog sa Balic-balic, Sampaloc, Martes ng umaga. 

Ayon kay Arjie Bermudez, may-ari ng isa sa mga nasunog na bahay, malamang na isang naiwang kandila ang sanhi ng apoy.

"Naiwan ng pamangkin ko yung kandila. Isang taon na kasi kaming walang kuryente kasi kinuha ng nangupahan dati 'yung metro," aniya.

Gawa sa light materials ang mga bahay na tinitirahan ng 5 pamilya, kaya mabilis kumalat ang sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.