Pagtutol sa martial law ibinandera sa ilang SONA outfit

Miguel Dumaual, ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2017 04:10 PM | Updated as of Jul 25 2017 10:09 AM

MANILA - Sa disenyo ng damit idinaan ng ilang mambabatas ang kanilang pagkontra sa martial law sa Mindanao, na pinahaba ang pagpapatupad hanggang Disyembre. 

Nagsuot si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ng barong na may katagang "No to martial law, no to all out war." 

Nakalarawan din sa barong ang airstrike ng militar, katabi ang ilang sibilyan. 

Nakasulat naman sa alampay o shawl ni ACT Teachers Rep. France Castro ang katagang "Just and lasting peace" at "No to martial law."

"No to martial law" din ang nakasulat sa palda ni Gabriela Rep. Arlene Brosas. 

Nakaburda naman ang katagang "regular jobs now" sa pantaas ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.