PatrolPH

Napipintong oil price rollback ikinatuwa ng mga delivery rider, negosyante

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2022 05:50 PM | Updated as of Jul 23 2022 07:09 PM

Watch more News on iWantTFC

Ikinatuwa ng ilang food bike delivery riders ang posibleng oil price rollback sa susunod na linggo.

Bilad man sa araw, tuloy sa pagpadyak ang delivery rider na si Christian Tamilon.

Simula nang tumaas ang presyo ng gasolina, bike na ang kanyang gamit sa pagde-deliver.

"Mahirap po pagnaka-bike talaga tapos mainit pa ganitong kalagayan tapos pg tag-ulan po bumabaha pa po," dagdag ni Tamilon.

Sipag at tiyaga rin ang baon ng isang pang bike rider na si Mike Navalla.

"Mas okay po yung motor, iwas pagod at mas mabilis madeliver ang pagkain," dagdag ni Navalla.

Kaya sa napipintong ika-apat na sunod na linggong oil price rollback.

Nais ng mag back-to-motor sa pagde-deliver nila Christian at Mike.

Sa Martes, P1.60 hanggang P2.10 ang posibleng matapyas sa kada litro ng diesel, P0.50 sentimos sa gasolina at P1.50 sa kerosene.

Si Mang Erwin, may naitatabing P200 hanggang P300 sa kanyang kita sa pagta-taxi simula noong isang linggo.

Mas makababawi pa raw sila kung bababa ng sampung piso ang presyo ng gasolina.

"Kahit mag P60 lang sana kasi yung kita namin napupunta sa gas, halos kalahati."

Pero una nang sinabi ng oil industry expert na si Ramon Villavicencio, posibleng magkaroon na naman ng oil price hike sa unang linggo ng Agosto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.