PatrolPH

NAIA T4 ginawa munang COVID-19 testing site para sa airport employees

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2020 01:01 PM

Dahil tigil-operasyon muna ang terminal 4 ng Ninoy Aquino International Airport ginawa muna itong COVID-19 testing center para sa mga empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA). 

Ayon sa media affairs office ng MIAA, nagsimula noong Miyerkoles ang operasyon ng testing center na nasa check-in counter area.

May apat na booth para sa rapid test, habang isa naman sa swab test. 

Tinatayang nasa 1,500 kawani na ang nasuri.

Una munang dadaan sa rapid test ang empleyado at kung magpositibo doon ay saka dadalhin sa swab test para sa kumpirmasyon.

Batay sa datos, nasa 55 empleyado ng MIAA ang nagpositibo sa COVID-19 mula nang pumutok ang pandemya, pero 17 naman sa mga iyon ay naka-recover na sa virus.

-- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.