Cardboard standee ng mga magulang, bitbit ng bagong abugado sa Supreme Court

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2020 01:46 PM

MAYNILA - Tiniyak ng isang bagong abugado na sa panahon ngayon kung kailian limitado ang pagkilos ng tao dahil sa banta ng COVID-19, maibabahagi pa rin niya sa mga magulang ang mahalagang araw ng pagpirma sa Roll of Attorneys sa Korte Suprema.

Dahil bawal ang mga bisita sa Korte Suprema, dinala ni Aivan Charles Torres ang cardboard standee ng kaniyang mga magulang ngayong Huwebes para sa naturang seremonya.

Kasalukuyang nasa Pampanga ang kaniyang mga magulang.

Isa si Torres sa 2,103 na nakapasa sa 2019 Bar Exams.