23,000 sisiw ipinamahagi sa hog raisers sa Tarlac na apektado ng ASF

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2020 05:32 PM

TARLAC CITY — Aabot sa 23,000 sisiw ang ipinamahagi ng pamahalaan sa mga hog raiser na apektado ng African swine fever (ASF). 

Ito ay kahit pa idineklara nang ASF-free ang probinsiya. Bawal kasi muna mag-alaga ng baboy ang mga negosyante, batay na rin sa abiso ng Department of Agriculture (DA). 

Kaya bilang alternatibong kabuhayan, aabot sa 23,000 sisiw ang ipinamahagi sa 10 munisipalidad at 1 siyudad sa lalawigan mula sa DA regional office. 

Kabilang sa mga nabigyan ang mga magbababoy sa Victoria, Capas, Gerona, Sta. Ignacia, Tarlac City, Mayantoc, San Jose, Concepcion, La Paz, at Moncada.

Sa susunod na linggo ang second batch ng mga bibigyan ng sisiw sa probinsya. 

"Para naman makabigay ng tulong at makapag-alaga sila ng chicken na pansamantalang nawalan sila ng mga kabuhayan sa kanilang pag-aalaga ng baboy," ani Arvin Cabalu, public information officer ng Tarlac. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.