2 babaeng namemeke umano ng medical certificate, COVID-19 test results, tiklo sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2020 10:50 PM

MAYNILA - Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang babaeng sangkot umano sa pamemeke ng medical certificate at resulta ng COVID-19 tests sa isang entrapment operation sa Pasong Putik, Quezon City nitong Huwebes ng hapon.

Ayon kay Police Lt. Col. Robert Domingo, hepe ng CIDG-QC District Field Unit, dumulog sa pulisya ang isang doktor mula sa pribadong ospital nang malamang ginagamit ang kanyang pangalan at pirma sa mga pekeng medical certificate at COVID-19 test result.

May concerned citizen din umano na lumapit sa mga awtoridad nang makita ang viral photo ng sinasabing pamemeke ng mga dokumento upang tulungan silang matunton ang computer shop kung saan nakunan ang litrato.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code na may kinalaman sa falsification of documents.

Iniimbestigahan din ang may-ari ng computer shop kung saan ginawa ang mga dokumento, na napag-alamang walang business permit.--Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.