Pulis na dawit sa pangingikil ng aplikante huli sa GenSan

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2019 06:14 PM | Updated as of Jul 23 2019 07:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Arestado ng Phiilippine National Police ang isang pulis sa General Santos City matapos umanong mangikil sa isang nag-a-aplay sa pulisya.

Kinilala ang suspek na si Police Master Sgt. Arnel Abellera, na nakatalaga sa Regional Health Service station ng PNP Police Regional Office 12.

Sa bisa ng entrapment operation, nabisto ang suspek na tumatanggap umano ng P2,000 marked money sa isang fast food restaurant sa Barangay Labangal.

Ayon kay Police Col. Romeo Caramat Jr., direktor ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group, inireklamo raw ng kapatid ng aplikante na pinagbabayad sila ng P50,000 kapalit ng pagpasa ng aplikante sa medical at neuro examination sa trabaho.

Nasa kustodiya na ng PNP si Abellera at hinahanda na ang kasong robbery extortion kontra sa kaniya.

-- Ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.