Dating prison guard nahulihan ng P600,000 halaga ng 'shabu' sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2019 07:47 AM

DAVAO CITY—Arestado ang isang dating prison guard ng Davao Penal Colony sa buy-bust operation sa Talomo District, Lunes ng gabi, ayon sa pulisya.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 36 sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P600,000.

Ayon sa pulisya, 4 na taong nagsilbi bilang prison guard ang suspek pero natanggal sa puwesto noong 2016 dahil sa alegasyong sangkot ito sa ilegal na droga.

Inamin naman ng suspek na ginawa niyang pangkabuhayan ang pagtutulak ng droga matapos mawalan ng trabaho.

Napabilang din sa drugs watch list ng Talomo Police Station ang suspek na mahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- Ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.