ALAMIN: Mga isyung nais matalakay ng Pinoy sa SONA 2018

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2018 12:33 PM

Trabaho at pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang mga pangunahing isyung nais ng mga Pinoy na tutukan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ngayong Lunes.

Sa survey na ipinalabas ng Pulse Asia, pinapili ang mga respondent noong Hunyo ng tatlong isyu mula sa sampung usapin na nais ng mga ito na bigyang-diin sa SONA.

Mga pinagpilian sa Pulse Asia Survey:

• Creating more jobs — 56%
• Controlling inflation — 52%
• Increasing pay of workers — 48%
• Poverty reduction — 33%
• End of ENDO — 27%
• Fight vs illegal drugs — 26%

Lumabas na 56 porsyento sa mga tinanong ay pinili ang isyu ng paglikha ng mga trabaho, habang 52 percent ang nais paaksiyonan sa gobyerno ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Isa sa tatlong respondents naman o 33 porsiyento ang gustong patutukan sa Pangulo ang paglaban sa kahirapan.

May 27 porsiyento ang nais paigtingin ang laban sa kontraktuwalisasyon at 26 percent ang laban sa ilegal na droga.

Sa kaparehong survey, naniniwala naman ang 69 porsiyento ng mga Pinoy na pinakamalaking tagumpay ng administrasyong Duterte ang giyera kontra droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.