4 na lalaki nahulihan ng marijuana sa Parañaque

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2018 10:20 AM

MAYNILA - Arestado ang 4 na lalaki, kabilang ang 2 menor de edad, nang mahulihan umano ng marijuana sa isinagawang Oplan Galugad sa Barangay Moonwalk, Parañaque. 

Kabilang sa naaresto sa operasyon ng pulisya sa Multinational Village ang dalawang 19 anyos at dalawang 17 anyos na lalaki. Agad silang dinala sa estasyon ng drug enforcement unit ng Parañaque police.

Aabot sa 35 sachet ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana at iba pang pakete na may "hybrid marijuana strains" ang nakuha sa mga suspek.

Itu-turnover sa Department of Social Welfare and Development ang dalawang nahuling menor de edad. Habang posible namang maharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act ang dalawa pang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.