Empleyadong dalawang buwang di pinasahod, dumulog sa DOLE

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2017 03:13 PM | Updated as of Jul 23 2017 09:21 PM

Baon na sa utang si Marinel Singco, na kabibitiw lang kamakailan sa trabaho.

Wala kasi siyang sinuweldo sa huling dalawang buwang pagtatrabaho sa isang call center company sa Eastwood, Quezon City.

Pagbalik daw niya sa opisina matapos operahan, hindi na umano siya pinasuweldo.

Nakapagpaalam naman daw noon nang maayos si Singco. Pero, dismayado siya dahil di maipaliwanag nang maayos ang naging problema sa sistema ng kompanya kaya't di siya nakasahod.

Wala pang pormal na pahayag ang kompanya tungkol sa isyu. Pero paliwanag ng Department of Labor and Employment (DOLE), malinaw na paglabag sa karapatan ng manggagawa ang ginawa kay Singco.

Habang nakikipag-ugnayan ang DOLE sa kompanya tungkol sa naging isyu sa suweldo ni Singco, pinag-apply muna ng 'Hanap:Buhay' team si Singco sa TVP 30 Caravan sa Antipolo City nitong Biyernes para makahanap siya ng iba pang job opportunities na alok ng caravan.

Abangan ang kabuuang detalye sa Hanap:Buhay ulat ni Zen Hernandez mamaya sa TV Patrol Weekend, pagkatapos ng ‘Bet on your Baby’.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.