PatrolPH

Department store sa Ormoc nasunog

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2017 09:05 AM | Updated as of Jul 23 2017 04:42 PM

Department store sa Ormoc nasunog 1
Nilamon ng apoy ang isang department store sa Ormoc, Leyte Linggo. Kuha ni Joffrey Bolo

Nasunog ang Gaisano Capital Ormoc sa bayang ito, Linggo.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa department store dakong ala-1 ng madaling-araw.

Nakontrol ang apoy makalipas ang 8 oras.

Department store sa Ormoc nasunog 2
Nilamon ng apoy ang isang department store sa Ormoc, Leyte Linggo. Kuha ni Joffrey Bolo
Department store sa Ormoc nasunog 3
Nilamon ng apoy ang isang department store sa Ormoc, Leyte Linggo. Kuha ni Joffrey Bolo

Sa isang press release, inanunsyo ng Easter Visayas police na sumiklab ang sunog dahil sa electrical short circuit.

Gayunman, nilinaw ni FO1 Lovernee Rauto of Ormoc City Fire Station sa panayam ng ABS-CBN News na patuloy ang imbestigasyon nila sa sanhi ng insidente.

Wala pang ibinibigay na taya ang mga awtoridad sa halaga ng mga ari-ariang napinsala ng sunog. -- May ulat ni Sharon Evite, ABS-CBN News

Department store sa Ormoc nasunog 4
Nilamon ng apoy ang isang department store sa Ormoc, Leyte Linggo. Kuha ni Joffrey Bolo
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.