Dating pulis pinatay ang misis, 2 anak

Charry Coronel, ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2017 02:04 PM

Sinisiyasat ng mga imbestigador ang bahay kung saan pinatay ng isang dating pulis ang kanyang asawa at 2 anak.

CEBU - Pinatay ng isang dating pulis ang kanyang mag-iina sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Valladolid, sa bayan ng Carcar, Linggo ng umaga.

Binaril ni dating PO1 Joel Belamide ang kanyang misis at kanilang mga anak na edad 12 at 8, ayon kay SPO2 Irving Abela ng Carcar police.

Matapos nito, nagpakamatay din umano si Belamide sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili.

Kuwento naman ng mga kaanak ng pamilya, mayroong problemang pinansyal ang mag-asawang Belamide.

Natagpuan ang 6 na basyo ng bala sa crime scene.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awotridad sa krimen.

Napag-alaman namang taong 2013 natanggal mula sa pulisya si Belamide matapos hindi sumipot sa hearing ng kasong illegal drugs na isinampa sa kanya.

Samantala, sa pawnshop naman nagtatrabaho ang misis nito.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.