Tulak umano ng droga patay sa Naga City

Kate Delovieres, ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2016 03:20 PM

CAMARINES SUR - Patay sa buy bust operation ang isang 37-anyos na lalaki Sabado ng umaga sa Naga City.

Ayon sa Regional Anti-Illegal Drug Special Task Group Bicol, nakilala ang suspek na si Noel Balla.

Sa loob mismo ng bahay ni Balla sa Zone 5B, Greenfield, Barangay Peñafrancia, Naga City naganap ang transaksiyon alas-10 ng umaga.

Napag-alaman na nanlaban umano ang suspek na matagal na din nasa target list ng awtoridad dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal drug trade.

Si Balla ay dating pulis na nag-AWOL sa serbisyo. Kalalaya lang din ni Balla matapos makulong dahil sa kasong illegal possession of firearms.

Patuloy pa rin na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad hinggil sa insidente.