Hinihinalang drug pusher, patay sa Butuan

Rodge Cultura, ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2016 10:55 AM

BUTUAN CITY - Patay sa shootout ang isang hinihinalang drug pusher matapos umanong makipagbarilan sa awtoridad.

Pasado alas singko ng umaga nang ikasa ng Police Regional Office 13 Intelligence Division ang operasyon sa Barangay Obrero sa Butuan.

Narekober sa suspek ang isang baril, hindi pa matiyak na halaga ng pera, drug paraphernalia at tatlong malalaking sachets ng hinihinalang shabu.

Ayon sa chairman ng barangay, napag-alaman na nangungupahan lang ang napatay na si Daniel Esguerra sa bahay.

Ayon sa pulisya, Si Esguerra ay suspek rin sa mga kaso ng nakawan at dati ng nasa kanilang listahan ng drug personalities.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.