Pinaiimbestigahan na sa Kamara ang krisis sa kuryente sa Occidental Mindoro, na nakakaapekto sa mga negosyo ng lalawigan.
Naghain na si Occidental Mindoro Rep. Odie Tarriela sa mababang kapulungan ng Kongreso ng resolusyon para magsagawa ng congressional inquiry.
Posible aniyang masimulan ito pagkatapos ng State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa darating na Lunes.
Ayon kay Tarriela, sumulat na rin siya sa Energy Regulatory Commission (ERC) para payagan ang power provider na Occidental Mindoro Consolidate Power Corp. (OMCPC) na patakbuhin ang 20-megawatt plant nito sa bayan ng San Jose.
Sa ngayon, 12 megawatts lang ang nagagamit, kaya kung mapapatakbo umano ang planta ng OMCPC ay matatapos na ang problema sa kuryente sa Occidental Mindoro.
"Maganda naman ang respond nila kaya lang kailangang-kailangan ng OMCPC 'yong pagpayag, 'yong ruling ng ERC para pagtakbuhin na ang planta na ito," ani Tarriela.
Nais din ni Tarriela na pumasok sa lalawigan ang iba pang kompanya na may kakayahang mag-produce ng renewable energy.
Ikinasa naman sa darating na Linggo ang protesta para manawagan ng solusyon sa power crisis.
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.