PatrolPH

Mga anak ng barangay chairman, tanod sa Cotabato City tiklo sa droga

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2022 05:11 AM

Arestado ang mga anak ng isang barangay chairman at isang tanod matapos sila mahulihan umano ng daan-daang libong halaga ng hinihinalang shabu sa Cotabato City.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency–BARMM, nahuli ang mga suspek sa isang search and seizure operation sa Barangay Rosary Heights 10 nitong Huwebes ng madaling araw.

Nakumpiska sa operasyon ang isang malaking pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 50 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P340,000.

Nakuhanan din sila ng baril at mga bala.

Nakatakdang sampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. – Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.